Bilang pagkilala at pagpupugay sa mga mag-aaral na nagsipagtapos nang may natatanging karangalan para sa taong pang-akademiko 2025-2026, ipinagdiwang ng komunidad ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Timog Luzon ang Gawad Parangal 2026 noong Hulyo 31, 2026. Kabilang sa mga iginawad sa nasabing okasyon ay ang 24 na mga ko-korikular na parangal sa mga piling nagsipagtapos na nagpakita ng mahusay at aktibong pakikiisa sa iba’t ibang larangan, samantalang 45 na akademikong parangal ang iginawad sa mga nagsipagtapos na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng pag-aaral.

Ang espesyal na okasyon ay dinaluhan din ni Kgg. Dr. Isaias B. Ubana, II, Punongbayan ng Bayan ng Lopez, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita. Sa kanyang talumpati, binigyan diin ni Dr. Ubana ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa bansa at ang patuloy na paglinang ng PNU Timog Luzon sa mga guro sa hinaharap. Pinaalalahanan din ni Dr. Ubana ang Batch 2026 na huwag maging komportable sa “pwede na”, kundi nararapat na siguruhing huwag pumayag na gawing karaniwan ang kanilang sariling pangarap, na ayon sa kanya ay ang pinakamataas na anyo ng kahusayan.

Higit sa isang simpleng seremonya, ang Gawad Parangal ay isang paalala sa mga bagong magiging guro ng bayan na ipagpatuloy ang kultura ng kahusayan para sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa kinabukasan ng bawat bata sa ating bansa.This celebration of excellence and tradition forms part of the series of activities for the closing of AY 2025-2026 which shall culminate during the 31st Commencement Exercises on July 31, 2026.

Quick Links